A Travellerspoint blog

pinoy ako!

ikaw ba to? ako ba to? tayo ba to?

kanina sa mrt...

siksikan.siksikan.
daming taong nagaabang ng mrt bandang alas 8 ng gabi sa may trinoma.
babae. lalaki.bata. matanda.bakla.tomboy.
sa bandang huli ako sumakay para malapit lang ako sa hagdanan sa shaw.
sobrang daming tao.nagmamdaling makapasok sa tren.
may napansin akong babae.teacher siguro sya at meron din isang lalaki.
siguro office boy si gago naka necktie pa.nasa tabi ko sila pareho.
habang umaandar ang tren narinig kong sabi.
"sir, yung paa mo po palagi ako ntatapakan pwede po pausog nang konti masakit na po"sabi nang pobreng babae.
"eh kung ayaw mong matapakan bumaba ka dito,ang arte arte mo naman eh alam mo
nang siksikan umaangal ka pa jan"sabi ni gagong office boy. as usual napahiya yung
babae dahil malakas ang boses nang epal na si office boy. kawawa naman!
ikaw ba to? ako ba to? kayo ba to?

sa office namin : shaw...

meron maarteng call center agent na babae dito samin. pauwi na sya mega telephone
pa sya.pagdaan nang pinto syempre may guard at titingnan bag nya."miss pabukas naman
nang bag mo check ko lang po"sabi nang pobreng guard.
"ano ba yan late na nga ako lumabas toxic ka pa miss"malakas na sabi ni ateng maarte.
pakatops macheck nang guard ang bag pababa na si ate nang mapansin nyang bukas yung bag
nya at sumigaw
"hoi guard isara mo nga tong zipper nang bag ko.ikaw nagpabukas nyan kaya ikaw ang magsara"
as usual napahiya ang pobreng guard sa malakas na boses ni maarteng call center girl.
kawawa naman!
ikaw ba to? ako ba to? kayo ba to?

mmmmmm...kung ikaw to. kung ako to. kung tayo eto.
maganda kaya tong ginagawa natin sa mga tao ganito?lalo na sa mga taong mahihina ang loob.
walang boses.pobre.

Posted by santito24k 12:49

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint