A Travellerspoint blog

mas malamig pa sa pasko...

hu5

malamig ang araw
... sa umaga pag gising lamig ay di mainam
... pati ang dati kong kinakain malamig na rin
... sa pagtulog ko ang lamig din

umiinit lang ang oras pagpuputok na ang bulkan

... pero paghupa nito bumabalik din

... lumalamig kasing lamig nang batong nasa ilalim nang dagat

... lamig na hindi ko kailangan magpakailanman

nasaan na ang init nang araw

... ang init na nagbibigay buhay

... gusto ko nang basagin ang salamin na kay lamig

... at sisirin ang punot dulo nang paghihikbi

darating ang araw na kakailanganin mo rin ang init

na aking inaasam at sana nararamdaman mo rin ang

lamig na nagpapatangis sakin ngayon at sana hindi

MAGPAKAILANMAN

Posted by santito24k 19:04 Archived in Philippines Tagged love_qoutes_heart_me_ you_us_forever_trust_commitment Comments (0)

libro na ako ang may akda..

para sayo ulit..

buong akala ko ibang libro na ang binabasa mo sa piling ko

... pareho lang pala nang librong binasa mo sa piling nang iba

... parehong kwento

... parehong lungkot at parehong saya

...

ako ang may akda nang librong iyong binabasa

... gagawin ko ang lahat para ikaw ay mapasaya

... iibahin ko ang yapak nang dalawang bida

... para sa ganun ang kwento ko ay maiba

...

hindi pa tapos ang librong iyong binabasa

... nagsisimula pa lang ang ating kwento

... at sisiguraduhin ko na ang makakabasa nang librong ito

ay tunay na mapapasaya

... sa kakaibang kwento na ating ginawa

... kakaibang lungkot at kakaibang saya

...

at gusto kong makita ang iyong luha---ang iyong GINTONG LUHA

sa pagbasa nag huling talata

na tayo ay mamatay na magkasama sa hirap at ginhawa.

Posted by santito24k 19:02 Archived in Philippines Tagged love_qoutes_heart_me_ you_us_forever_trust_commitment Comments (0)

a letter for him

storm 30 °C

beau

di ko alam kung ako ba talaga ang kailangan mo

para matulungan ka,

di ko alam kung ano ang magagawa ko para

...mapalakas ka

...mapatawa ka

...maalagaan ka

...at makalimut ka sa bangungut mo nang nakaraan.

hindi ko alam

...kung ang yakap ko maalagaan ka

...kung ang salita ko mapapalakas ka

...kung ang kwento ko mapapatawa ka

...kung ang pagmamahal ko'y makatulong

sa paglimot sayong nakaraan

gusto kitang kausapin

...umiyak at sabihin ang sakit ng loob ko sayo

...pero natatakot ako na magsawa ka sa iyak ko

...magsawa ka sa mga sinasabi ko

...magsawa ka sa sakit ng loob ko sayo

di ko alam kung bat tayo nagkakaganito

...palagi nalang tayo may tampuhan

...palagi nalang tayong nagaaway

...palagi nalang di nagpapansinan

...at palagi na lang may paglilihiman

I'm trying my best to be a good lover and companion for you.

I'm still here waiting for you

i want to bring back our intimacy

i want to bring back our trust

i want to bring back our commitment

and i want to bring back our love for each other.

Posted by santito24k 18:41 Archived in Philippines Tagged love_qoutes_heart_me_ you_us_forever_trust_commitment Comments (0)

(Entries 6 - 8 of 8) « Page 1 [2]